SIBACAN Gawaan ng Bangka na naging Pamayanan
Tulad ng maraming barangay sa Balanga, ang Sibacan ay nagsimula bilang isang Sityo lamang. Ang Poblacion at ang Puerto Rivas ay kapwa umangkin na sakop nila ang Sibacan noong araw. Ang mga taga-Poblacion ay ginagamit noon ang Sibacan bilang pook-pasyalan dahil ito’y dating look na bahagi ng Manila Bay. Ang katubigan noon ay humahangga sa bukana ng Doña Francisca. Ang Sibacan noon ay siyang ginamit na gawaan ng mga bangka na gamit sa pamalakaya. Ang mga kahoy at mga baul na pinuputol noong araw mula sa gubat ng Bani, Dangkol at Guitol ay ipinaaanod sa Cataning River o sa Talisay River, bago dinadala sa Sibakan kung saan ito pinuputol, sinisibak at kinikinis para gamiting materyales sa paggawa ng bangka. Ang salitang “Sibakan” ay kasingkahulugan noon ng “tablerya”. Ngunit sa pag-usad ng panahon, ang look ng Sibakan ay bumabaw hanggang naging kalupaan. Tuloy, ang industriya ng paggawa ng bangka ay nalipat sa Puerto Rivas. Ngunit hindi na nawala ang katawagang “Sibakan” sa dating puwesto nito. Ang dating look ng Sibakan ay unti-unting naging pamayanan bagama’t ang mga residente dito ay nanatiling kakaunti dahil madalas itong lumubog lalo na kung malaki ang tubig sa dagat. Ang kalakhan ng Sibacan ay unang ginawang mga palaisdaan. Noon lang dekada sisenta ginawa itong isang pamayanan. Di nagtagal ay naitatag ito bilang isang barangay. TALAAN NG MGA NAGING PINUNO NG BARANGAY 1. FELOMINO G. VILLANUEVA -------------------------- 1910 - 2.ALEJO PARDILLO ------------------------------------------- 1930 - 1936 3. MIGUEL MARTINEZ --------------------------------------- 1936 - 1940 4.LAURIANO CABRERA ------------------------------------ 1940 - 1944 5.ANTONIO LEANO ------------------------------------------ 1945 - 1956 6. APOLINAR ROSETE -------------------------------------- 1956 - 1960 7. BERNARDO DE JESUS ----------------------------------- 1960 - 1964 8. REYNALDO LEANO ----------------------------------------- 1964 - 1968 9. JESUS DIMLA ------------------------------------------------- 1968 - 1969 10. ARTEMIO DE JESUS -------------------------------------- 1969 - 2002 11. RAFAEL DE JESUS ---------------------------------------- 2002 - 2013 12. DANTE LEANO ----------------------------------------------- 2013 - PRESENT HEALTH, NUTRITION, SHELTER, WATER&SANITATION STATUS IN SIBACAN CBMS STATISTICS SIMULATOR Province: BATAAN, III - CENTRAL LUZON CBMS Core Indicators, Barangay City/Municipality: CITY OF BALANGA The 13+1 dimensions of poverty Barangay: SIBACAN
Source: CBMS Survey 2011 2013 PROJECTED POPULATION IN BRGY. SIBACAN
TOURIST SPOT / ANYTHING SPECIAL IN THE BARANGAY *** EVA LINDA*** Actress ***BIRD SANCTUARY****** At the opening of WAWA (Sibacan River) LAND AREA (IN SQ.METERS): 1,582,071 POPULATION: 2, 232 (MALE = 1,142) (FEMALE=1,090) HOUSEHOLD 586 ANNUAL BUDGET: IRA: MAJOR PRODUCTS: Sea Foods, Assorted INFRASTRUCTURE FACILITIES: None POWER SUPPLY: Penelco WATER SUPPLY: Balanga Water District DISTANCE FROM CITY HALL (KMS.) 1.53 |