History of Sibacan

    Tulad ng maraming barangay sa Lungsod ng Balanga, ang SIBAKAN/SIBACAN ay nagsimula bilang isang sityo lamang. Noon, inaangkin ito kapwa ng Poblacion at Puerto Rivas.

    Ginagamit noon ng mga taga-Poblacion ang SIBACAN bilang pook-pasyalan dahil dati itong look na bahagi ng Look ng Maynila. Dati, ang katubigan ng SIBACAN ay humahangga sa bukana ng Barangay Doña Francisca sa timog-kanluran.

    Gayunman, higit na kilala ang SIBACAN bilang isang pook na gawaan ng mga bangkang pamalakaya. Ang mga kahoy na pinuputol sa mga gubat ng Bani, Dangkol (Dangcol) at Guitol ay ipinaaanod sa Ilog Cataning o sa Ilog Talisay patungong SIBACAN. Dito pinuputol, sinisibak at kinikinis ang mga kahoy at baul na gamit sa paggawa ng bangka. Kaya tinawag ang lugal na SIBAKAN, salitang kasing-kahulugan ng tablerya.

    Sa pag-unlad ng panahon, ang Look ng SIBACAN ay bumabaw, hanggang maging kalupaan. Dahil dito, ang industriya ng paggawa ng bangka ay nalipat sa Puerto Rivas. Gayunman, hindi nawala ang katawagang SIBAKAN sa naunang lugar.

    Sa pagbabaw ng look, naging angkop na palaisdaan ang kalakhan ng SIBAKAN. Unti-unti rin, maging kalupaan ang iba pang bahagi nito na noong lumaon ay nagging pamayanan. Subalit nanatiling kakaunti ang mga residente dahil madalas ang paglubog ng lugar lalo na kung lumalaki ang tubig sa dagat. Noon lamang dekada sitenta tumaas ang bilang ng mga mamamayan. Dakong 1960, naitatag ang SIBACAN bilang barangay.

    Dahil sa kaliitan ng SIBACAN, hindi gaanong naiayos ang mga palaisdaan at iba pang pook-panghanapbuhay. Kaya bagaman ito ang barangay na may pinakamaraming palaisdaan, hindi lubusang maunlad ang industriya ng hipon at isda rito


Unang Katawagan sa Barangay: Barrio Lati (1896 -1897)

Unang Naitatag: 1910 (Sa pamamagitan ni G. Felomino G. Villanueva , bilang Tiniente del Barrio)

Karagdagang Pangyayari:

Nobyembre 15, 1935 - Nasunog ang lahat ng bahay dito sa Sibacan

Disyembre 10-14-1944 - Sinunog ang lahat ng bahay dito ng mga sundalong hapon at pagkatapos, lahat ng lalaki na may eda 10 taon pataas ay dinala sa Balanga Garrison na doon ay 3 araw na hindi pinapakain at pinahihirapan at madaling araw ng Disyembre 14, 1944 ay pinatay na lahat.




PANIMULANG MAMAMAYAN

1. FELOMINO G. VILLANUEVA          20. MACARIO SAMSON
2. ALEJANDRO SIOCO                        21. PETRA MANUEL SAMSON
3. PATRICIO LEANO                             22. VENTURA MANUEL
4. URSULA AUSTRIA                           23. LAURIANO MALLARI CABRERA
5. GENOVEVA DE JESUS                   24. EUGENIA SAMSON CABRERA
6. DAMASO MANUEL                           25. MATEO MALLARI CABRERA
7. ZACARIAS SEBASTIAN                   26. RICARDO MALLARI CABRERA
8. AGUSTIN SEBASTIAN                     27. GUILLERMO MALLARI CABRERA
9. JUAN TORRES                                  28. TOMAS ROSETE
10. MIGUEL MARTINEZ                        29. JUAN CABRERA
11. ALDIANO PARDILLO
12. ALEJO PARDILLO
13. FRANCISCO LEANO
14. CARUTO PARDILLO
15. FELIX PARDILLO
16. JUAN LEANO
17. AGUSTIN MANUEL
18. SILANG MANALAYSAY
19. HILARIO MALLARI

Comments